Linggo, Hulyo 20, 2008

Tumahan ka Langit
By: Pablo Makata

tumahan ka langit,
sa iyong pagluha...
ang dagundong at dagitab na iyong pinupukol!

saglit kang maidlip sa
luntiang yungib,
pakadamhin sa ibon ng
humuni't umawit.
tumila ng maiigi ang ambos
na tikatik.

at, kung magkagayon
pilitin mong yumungo duon sa malayo,
sa lupaing tigang at nangangailangan...
yaong mga luha ay isaboy
pag sa tuwina'y naninimdim.

Walang komento: